Category Archives: Mountain Province

Take A Break (Mountain Province Part III)

Day 2
05:30am Wake-up call. Breakfast (own account)
06:00am Proceed to Kiltepan for Sunrise Viewing. (Optional)

OPTIONAL! Kamuntikan na naming hindi masilayan ang pagsikat ng araw sa di maipaliwanag na di pagkakaintindihan.  Mabuti na lamang at hindi pa huli ang lahat! =)

Sagana ang alapaap na nagkalat/na parang cotton kending nagaabang ng batang kakagat.

Nagmistulang dagat/na binalot ang kabundukan nang nagliliparang bulaklak.

Sa isang kisapmata, lahat ay nagbabadyang maglaho/hihintaying mumunting pangarap ay gumuho.

Sa isang kurap, matatamasa/ang inaasam asam na marangyang tadhana.

Lumulutang na ang diwa.

Tambay na walang humpay sa pagsinghot sa mga bagay na pantawid buhay.

Napawi na ang alapaap na nagkalat/nauubos na ang mga batang naghahanap ng cotton kending makakagat.

Pakibalik naman sa akin ang aking diwa.

Pakibalik naman sa akin ang aking wika.

Continue reading Take A Break (Mountain Province Part III)

Take A Break (Mountain Province Part II)

0298C Quirino Avenue,
Don, Galo, Parañaque City
Telephone #: (02) 553-7977 / (02) 408-0506
Mobile #: 09085824899 / 09163269699
http://www.stmichaelexplorer.com

Day 0
08:30pm Assembly Makati (parking lot of Intercontinental Hotel across SM Makati)
09:00pm ETD from Makati to Sagada

Lumisan ng alas nwebe ng gabi para takasan ang siyudad… Nilagpasan ang mga katropang kalsada at nagsisigawang sasakyan hanggang sa di na namalayan, nilamon na pala ng katahimikan. Naglalaro ang mga kantang isinasambit ni Nimbus (pangngalan ni iPhone) habang nasa isang sulok na hindi mapakali sa pagkakaupo. Nalipasan ng gabi, isang kabanata na naman ang nagdaan.  Hindi makatulog ng maayos na tila gising na gising ang kaisipan.              

             

Continue reading Take A Break (Mountain Province Part II)

Take A Break (Mountain Province Expedition Part I)

Ikaw ba si Juan na sinusulat sa kung saan ang pangalan para maipaalam at magiwan ng katibayan?  XXX was here.  Tila bakas sa buhangin na mabubura ng hangin o di kaya’y paglista sa tubig na aagusin ng alon. San pa ba natin eto unang natutunan, kung hindi sa eskwelahan. Mga batang musmos na tinuruan kung paano magsulat. Hanggang ngayon ba naman ay mananatiling musmos ang kaisipan?

O ikaw si Juan na mukha ang puhunan para ibenta ang sarili sa masa.  Mabuti sana kung tuturuan natin silang bumasa ng kandidato at hindi mauwi sa mga paasa. Pero ang pagasa ay namamatay sa tuwing matatapos ang pagbibigay ng grasya. Easy money kumbaga. Mga batang musmos na tinuruan kung paano tumanggap. Ngayong matanda na, hanggang tanggap na lamang ba?

KETKET. Parang mga batang naglalaro ng patintero para punan ang mga pagkukulang.  Mga basurang ketket ng lipunan at tila naging dekorasyon ng bayan. Ikaw na dayuhan, nanaisin mo ba na ito ang madatnan? Dumayo ng malayo, para lang ito ang matunghayan? LEAVE NO TRACE policy ika nga, pero nasaan na? NGA-NGA!