Category Archives: PILIPINAS!

MAtaas NA BUndok (Manabu Peak Expedition)

01.02.14 (Skip this part: Walang kinalaman sa pagakyat ng bundok Manabu)

Hilata. Magsimula ang bagong taon, walang panama sa pagubos ng handa, paglamon ng hamon, pagupdate ng news feed sa FB, at paghilata sa kama.  Ang pagkasa ng buhay baboy mode na sa ilang araw lamang ay tuluyan nang mawawakasan ng buhay kawani. Biglaan. Sa karamihan, madalas na masambit na mas natutupad lamang ang paglisan sa isang biglaan. Mag-aaya ng ura-urada kumbaga at walang plano sa madaling salita. Imbes na matapos ang araw ng paghilata, napaisip na bakit hindi nalang kaya gumala? =)

Continue reading MAtaas NA BUndok (Manabu Peak Expedition)

Advertisements

ANG TALON SA GITNA NG PAGUDPUD

Ang mga larawan ay kuha at pagmamay-ari ni Jid

Libre Lang Mangarap!

kabigan

7thSabi nila maraming bagay at surpresa ang mundo, ang gagawin mo lang ay lakbayin at tuklasin ito. Walang bagay ang nakukuha sa isang kisap-mata lang lalo na kung ang hinahanap mo ay nasa gitna ng kagubatan. 😀

ILOCOS NORTE
DAY 2 (North Tour) Part 1/3 

Nakaraan:

Halos tanghaling tapat na noon nang matapos namin ang South Tour. Nakapapagod na! kung tutuusin pero nangangalahati pa lang ang araw para sa amin.

Saan Pwedeng Mananghalian?

12:30 Sa tulad naming nakakontrata sa trike madali na lang magpahatid sa isang malapit kainan. Inihatid kami nito sa isang kainan katabi ng kalsada. Sabay-sabay kaming kumain kasama ang driver. Sulit naman pagkain sabayan…

View original post 657 more words

PhP4,500 (Coron Expedition)

Si Fatima! Isang palaban na dalaga na patuloy nangangarap para sa isang magandang kinabukasan. Subsob sa trabaho at pilit na nagsusumikap sakabila ng mga pagsubok na kanyang hinaharap.  Isang mabuting kaibigan na malawak ang pananampalataya at may sariling paninindigan.  Sa bibihirang pagkakataon na siya’y aming makasama, sadyang kami ay nagpapasalamat sa kanyang pagpunta.

Continue reading PhP4,500 (Coron Expedition)