MAtaas NA BUndok (Manabu Peak Expedition)

01.02.14 (Skip this part: Walang kinalaman sa pagakyat ng bundok Manabu)

Hilata. Magsimula ang bagong taon, walang panama sa pagubos ng handa, paglamon ng hamon, pagupdate ng news feed sa FB, at paghilata sa kama.  Ang pagkasa ng buhay baboy mode na sa ilang araw lamang ay tuluyan nang mawawakasan ng buhay kawani. Biglaan. Sa karamihan, madalas na masambit na mas natutupad lamang ang paglisan sa isang biglaan. Mag-aaya ng ura-urada kumbaga at walang plano sa madaling salita. Imbes na matapos ang araw ng paghilata, napaisip na bakit hindi nalang kaya gumala? =)

Bundok. Aling bundok kaya na swak sa pangisang araw (day hike)… Nagumpisa na kaming maghanap sa mga blog sites ng mga kapwa mangangahon. Daguldol sana ang napili, pero kakapusin sa araw na mauubos lamang sa travel time kaya’t isang kaibigan ang nagsabi na bakit hindi sa Manabu na lamang. Manabu. Sa pamagat ng posteng ito, sinasabi na ang pangngalan ay nagmula sa ‘MAtaas NA BUndok”.  Isa lamang ang Manabu peak sa tatlong peak ng Malipunyo range (Malipunyo summit at Susong Dalaga peak).

01.03.14 (Frequently Asked Questions)

Mahirap ba iyon?
LLA: 13.9777°, 121.2413°, 760 MASL
Days required / Hours to summit: 1 day / 1-2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail class 1-2
Base kay http://www.pinoymountaineer.com/2007/08/manabu-peak-760.html

Easy trek naman ang classification niya, pero sa totoo lang, wala namang madaling maakyat na bundok. Kailangan lang ay may constant exercise at training para hindi mabigla ang katawan lalo na sa mga baguhan.

Paano ba pumunta?
> Bus Ride to Lipa, Batangas (kahit saan kayo manggaling basta may makita kayong bus terminal na pa-Lipa, pwede na iyon! haha – – – JAM o JAC Liner).  Entry points = Buendia, Cubao, o Alabang.  Take note, mas mapapabilis ang byahe nio kung sa Tambo Exit kayo bababa at hindi na dadaan ang bus ng Sto. Tomas at Tanauan. Landmark nio ang Robinsons Place o bus stop.

> Tricycle.  Sa puntong ito, may dalawa kayong options:
(a) Mangontrata sa driver na dalhin kayo diretso sa Sulok, Brgy. Sta. Cruz, Sto. Tomas, o
(b) Sabihin nio lang sa driver na pupunta lang kayo ng Fiesta Mall.
Sa Fiesta Mall, may mga nakapilang tricycle na maghahatid din sa inyo sa Sulok, Brgy. Sta. Cruz, Sto. Tomas.

Kung madami kayong dala, mas preferred ko ung (a) pero mas makakatipid nga lamang kayo sa pangalawa.

> Registration Point. Bago kayo idiretso ng tricycle driver sa jump-off point, ibaba nia muna kayo sa Barangay hall para magparehistro.

Magkano ang gastos?

> Pamasahe

Bus Fare (one way) – maaring magbago*
Kung galing Cubao = PhP139
Kung sa Buendia = PhP124
Kung sa Alabang = PhP94

Tricycle Fare (base sa negotiation)
Kung galing Lipa = PhP200 to 300*
Kung galing Fiesta Mall = PhP100-200*
* Para sa isang tricycle na ito, meaning good for 4 pax.

Registration Fee: PhP20

Tour guide: PhP300 estimate (optional)

Kailangan pa bang magtour guide? 
Hmm…Madali lang naman ang daan na tatahakin.  May makikita naman kayong trail na daanan ng tao at may iba’t ibang stations na palatandaan na ‘you’re still on the right track’.  Ang problema nga lang ay madaming left o right options. Kung baguhan kang mangangahon, may posibilidad na maligaw.


Mapa na makikita sa ilang station pa-akyat ng bundok na ito. 

Random shots!

Breaktime kasama si Mang Tino – – – isang local ng bundok na ito na nagbibigay ng libreng kape sa mga mangangahon.  Napagalaman namin na ang pamilya nila ang nagprprocess na maging coffee beans ang galing sa poop ng mga alamid <akyat nalang din kayo para malaman niyo ang buong storya at proseso>.


Pusang may bigote. haha

Station 5: Malaking Krus – Peak

P.S. Pero bakit nga ba ako namumundok? 
Una. Takot ako malunod. Nagkatrauma na ako nun ng minsang mahulog at nagstruggle sa pagkakalunod sa isang swimming pool.  Kaya hindi ko gusto ang idea na paglangoy sa malalim. =( Pero dahil 2014 na, maghahanap ako ng magtuturo saking lumangoy! =)

Pangalawa.  Hindi ko naman nasagot iyong tanong ko sa taas. Ibig sabihin lang na mas preferred ko ang bundok at wala akong fear of heights – mapa-acro man o altophobia.

Pangatlo. Di mo kailangan gumastos ng malaki.  Pamasahe lang ang puhunan at magbaon ka nalang ng pagkain para mas lalong makatipid.

Pangapat. Nakagala ka na, pinagpapawisan ka pa =) Way of exercise nadin to para lumakas ang stamina ng katawan ko. Hindi pwedeng puro kain nalang. hehe.  May kakaibang rush ang naiibigay ng pag-akyat, kahit nanginginig na ang mga hita mo, kahit twice or thrice the rate na ang heartbeat mo, at kahit sobrang tirik ng araw, iba padin pag nasa peak ka na overlooking a 360 degree-view ng kapaligiran.

Panglima. Adjunct nalang ang pagkuha ng picture at pagblog para sa mga nais masubukan din ang pagahon =) Sama din kayo samin minsan!

Advertisements

13 thoughts on “MAtaas NA BUndok (Manabu Peak Expedition)”

    1. Hmm. Meron ata sa bundok na ito. Ung iba kasi wala talaga eh… Uo try ko maging informative naman sa mga piling readers ko. haha. Hindi ko na po kayo inaya nung gabi kasi alam ko po na it’s not your cup of tea. =)

  1. hahaha sabi nga nila mainam pa ang bigla gala kumpara sa plananong gala, kasi natutuloy..

    Ang bait naman ni Mang Tino nagbibigay ng libreang kape… swak to lalo na kung pagod ka na sa pag-akyat.

    Hhaha parehas tayong hindi marunong lumangoy, apir haha… balak ko rin pagpaturo kung paaano..

    Salamat sa pagbigay ng mga tips dito. Kampai!

    Maligayang bagong taon sa iyo kaibigan!

    1. Kaya hindi ako lagi nakakasama sa photowalk nio eh, kumpleto sa FB invite at itinerary. hahaha. Pero sana this year, mataon na free talaga ako para maturuan mo ko ng skills sa pagshoot. hehe.

      Ung libreng kape eh ung timplado na un (ung nasa thermos) pero pag ung nakapack na, binebenta na nia iyon (PhP100 pinakamura haha).

      Game, swimming lessons na po tayo haha. o baka may friend na kayo na marunong haha.

      Hindi naman po ata kayo namumundok eh hahah.

      Maligayang taon pinsan. haha.

  2. nung nakita ko ang post na ito, parang naramdaman ko uli yung pagod. hahaha pero worth it ang pag-akyat may bagong experiece uli 🙂

    Nice post tagalog uli! 😀

    1. Magtatagalog nalang siguro ako pagbundok ung post ko. Mas naeexpress ko. haha. Sa susunod po ulit. Mt. Batulao nalang para sa lahat ng kaibigan kong baguhan hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s