PhP4,500 (Coron Expedition)

Si Fatima! Isang palaban na dalaga na patuloy nangangarap para sa isang magandang kinabukasan. Subsob sa trabaho at pilit na nagsusumikap sakabila ng mga pagsubok na kanyang hinaharap.  Isang mabuting kaibigan na malawak ang pananampalataya at may sariling paninindigan.  Sa bibihirang pagkakataon na siya’y aming makasama, sadyang kami ay nagpapasalamat sa kanyang pagpunta.

Si Mitchi! Na madalas nakabisangot ang mukha sa tuwing makukuhanan ng litrato na tila malaki ang pasanin na dala dala sa kaniyang balikat.  Ngunit sa pagkakataong ito, maiiba ang lahat.  Magiging matatag at matiyaga sa anumang hamon ang ibato sa kanya ng mundo; hindi na siya muli magpapaapi at dadalhin lagi ang mga ngiti as kanyang labi.  Sabay naming inihaon ang Quantitative Analysis at sabay padin naming tatahakin ang landas na nakalaan para sa amin.

 

Si JenYu! Malagas man ang kilay tila may kakaiba pading karisma.  Sa likod ng mala-anghel na mukha ay isang malawak na pagunawa.  Malayo na ang narating at Manager na sa trabahong pinapasukan.  Hindi na kumakain ng kanin para mapakita ang abs sa mga larawan pero sobra naman kung lumamon ng hipon sa hapunan.

Si Ate Poulls! Kaibigang parang laging andiyan pero wala pala talaga. Bibihira nga ang pagkakataong makasama ngunit hindi padin siya talaga nakakasama. Hahaha

Silang tatlo at ako ay lilibutin ang natatagong hiwaga ng Coron, Palawan (kakasabi lang Mitchi eh. Hahaha).

 

PhP4,500 ang titulo ng posteng ito dahil ito ang halaga ng aming paglipad sa eroplano.  Nakakatawa ang mga pangyayari dahil ako ay nasisi sa kakaibang iskedyul sa pakikipagsapalaran na ito (aalis ng hapon ng linggo at babalik ng Maynila ng tanghali ng Martes – hindi sulit kumbaga).  Pangalawang punto, hindi pa dito kasama ang tour at hotel accommodations! hahaha. Kaya lalong naghirap at pilit na kinukumpara sa ibang tour package na may inclusive na airfare, hihihi.

Touchdown sa paliparang Francisco B. Reyes.

Unang hapunan.  Babala: Mabagal ang serving sa kainang ito. Hintayin dumating ang lahat ng inorder bago umpisahan ang paglamon.  Umorder din ng Crocrodile sisig at ito na ang pinakasulit na pagkain.

At nagumpisa na ang aming paglalayag kinabukasan.

This slideshow requires JavaScript.

Kami ay nakahanda nang lisanin ang Palawan ngunit sa mga di inaasahang pagkakataon, ang aming lipad pabalik ng Maynila ay nakansela!  Sa umpisa ay dagok sa amin ito sa kadahilanang kailangan pa naming maghintay kinabukasan para malaman kung may mga slots pa as eroplano at magpaalam ng isang araw pang liban sa trabaho.  Wala kaming nagawa kung hindi maghanap ng bagong titirahan at balik sa paborito naming kainan! Nakalimutan ko na ung pangalan. haha

Kwentahan ng utang! =)  

Sa uulitin! =)

Advertisements

10 thoughts on “PhP4,500 (Coron Expedition)”

  1. Jeddy Boy,
    Marapat lamang dinggin ang aking opinyon sa yon lathala. Nagpapasalamat ako dahil nasama ako sayong nakakaaliw na kwento, subalit wala naman sa ating kasunduan na kasama talaga ako sa inyong lakad na yan dahil pinadalhan pa kita ng selfie ko sa coron nung iniimbita mo ako. Ibig kong si Tweetums Dioso ay iyong banggitin din sa naturang blogpost dahil sya naman ang bumili ng ticket. Marapat lang na Gawan mo na ito ng remedyo habang sya ay naaliw pa sa kakasunod sa mga poging koreano at hindi pa naliligaw sa iyong blog. Pakiusap ko lang sana na gawin mong tweetums ang paglalarawan mo kay kumander dioso, yung tipong pang jolina-marvin na pelikula. lubos na nagpapasalamat, at kinailangan mo pang ipaalala na lagi akong hindi nakakasama sa mga lakad,
    Ate Poulls 🙂

    1. Naway nagpapasalamat ako sa iyong pagtangkilik sa aking blogsite. Ngunit may pagkakataon ka namang makasama sa aming paglalakbay kung iyong nanaisin lamang. Gusto lang naman po kitang isali dito sa aking obra maestra bilang isang karakter sa maikling storya. Dadating din ang araw na si Tweetums Dioso at siya ang magiging bida sa Jolina-Marvin tandem na iyong hinihiling. Naway isa din itong paalala na sana ay tayong lahat ay magkasama sama. Sa uulitin. – Jid Albin

  2. Hello sa inyong lahat 😀

    Wow natuwa ako dito tagalog post 🙂

    Sana makasama ako sa biyahe nyo. hahaha feeling close lang. Gusto ko yung nadedelay ang eroplano para extended lels.

    1. Nagpopost naman ako ng tagalog. haha. Ngayon lang may characters… Uo! delayed ung stay pero additional day na expenses. haha. Balik nalang tayo dito next time. haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s