ILOCOS DAY 2: WOW ANG PURAW

Ang mga larawan ay pagmamay-ari at kuha ni Jed.

Libre Lang Mangarap!

kapurpurawan rock formation2

7thMay mga bagay at pangyayari talaga na wala pa man, alam mo na agad na magiging masaya ito! pero may mga bagay at pangyayari din na nasa sitwasyon ka na mismo, pero mas nagiging mas masaya pa pala! Ayos di ba!? Parang “expect the unexpected” lang sa english! Lels. 😛 Ganyan ang naramdaman ko noong nakarating ako sa Kapurpurawan Rock Formation o kilala din sa tawag na White Rock Formation (in-english lang naman ang Kapurpurawan, dahil ang salitang “puraw” ay “white” o “puti” sa mga Ilocano) Sobrang amazed talaga ako!

View original post 1,328 more words

ILOCOS DAY 2: ANG MGA GIANT ELECTRIC FAN!

Ang mga larawan ay pagmamay-ari at kuha ni Jed.

Libre Lang Mangarap!

bagui windmills2

7thMay mga pagkakataong nagnanais ka na sana sa pagbukas ng iyong mga mata, isang katuparan na agad ang iyong makikita. Kaso mahirap namang mangyari yun! May mga bagay talaga na hindi nakukuha sa isang tulugan lang at mas lalong hindi sa paghiling o wish lang. Madalas, ilang kalawakan, henerasyon at imahinasyon pa ang dapat mong lakbayin bago mo ito tuluyang makamtan. Kaya naman isang araw sa pagkagising ko, walang paglagyan ang tuwa ko nang masilayan ang noo’y sa panaginip ko lang nararating. Minsan pala ang sarap ding maging isip-bata kaja-jump shot na tila isang pagkakataong napagbibigyan ka ng Nanay mo na makakain sa Jollibee! Lels 😀

View original post 1,600 more words

ILOCOS DAY 1: BINATAC NG KASAYSAYAN

Ang mga larawan ay pagmamay-ari at kuha ni Jid.

Libre Lang Mangarap!

tabacco monopoly monumen2t

7thAlam mo yung maganda kapag naglalakbay ka? Hindi ka nauubusan ng kwento. Maaaring kinukwento lang sa inyo ng tour guide nyo, maaari ding naikwento na sayo dati pa at ngayon mo lang naalala. At maaari ding napag-aralan at nabasa mo na pero ngayon mo lang mas naunawaan noong nakita. Pero hindi din! May mga kwento lang talagang hindi nauubusan ng kasaysayan at kwento. Sa ibang banda, mas nagiging intersado lang ang kwento kapag personal mo na itong nasasalat at nakikita. ( fieldtrip lang!? lels 😛 )

View original post 1,781 more words