Take A Break (Mountain Province Part II)

0298C Quirino Avenue,
Don, Galo, Parañaque City
Telephone #: (02) 553-7977 / (02) 408-0506
Mobile #: 09085824899 / 09163269699
http://www.stmichaelexplorer.com

Day 0
08:30pm Assembly Makati (parking lot of Intercontinental Hotel across SM Makati)
09:00pm ETD from Makati to Sagada

Lumisan ng alas nwebe ng gabi para takasan ang siyudad… Nilagpasan ang mga katropang kalsada at nagsisigawang sasakyan hanggang sa di na namalayan, nilamon na pala ng katahimikan. Naglalaro ang mga kantang isinasambit ni Nimbus (pangngalan ni iPhone) habang nasa isang sulok na hindi mapakali sa pagkakaupo. Nalipasan ng gabi, isang kabanata na naman ang nagdaan.  Hindi makatulog ng maayos na tila gising na gising ang kaisipan.              

             

Day 1
07:00am ETA at Sagada. Check-in, Breakfast and Rest (own account)

Buwan ng Mayo nang mapadpad sa Norte.  Nabuong plano para masilayan ang hagdang hagdang palayan. Produkto ng nakaraan na pangunahing mapagkukunan ng pangkabuhayan. Mga katutubong naghirap para sa ikakaunlad ng hinaharap.  Napabilang sa UNESCO World Heritage List noong 1995 (Batad, Bangaan, Mayoyao, Hungduan, at Nagacadan Rice Terraces) na siya naman nating maipagyayabang. Nawa’y ito ay ating pangalagaan dahil sa ito ay ating likas na yaman.

12:00nn  Lunch (own account)

Babala! Kung ikaw ay matakaw tiyak na ikaw ay mapupukaw sa mga pagkain ng Lemon Pie House, na hindi lamang puro lemon ang laman.  Bawat isang order ay kayang nang busugin ang dalawa hanggang tatlong katao sa murang halaga lamang.

01:00pm Proceed to Sumaguing Cave for Cave Spelunking, for those who chooses cave connection, additional  Php400 per person
03:30pm Estimated time of return from Sumaguing cave( back at the lodge for rest)
06:30pm Estimated Time of Return if the participant decides to do cave connection.
07:00pm Dinner and Rest (On pax own account)

Alam niyo ba ang pagkakaiba ng CAVING at SPELUNKING?!

Base sa aming tour guide, ang CAVING ay isang activity na kung saan ang mga explorers ay naghahanap ng mga lagusan o dadaanan sa loob ng isang kweba na hindi pa napupuntahan ng mga tao samantalang ang SPELUNKING naman ay kagaya nating mga turista na nagsisight-seeing at meron nang sinusundang landas  =)

Isa pang babala! Maagang nagsasara ang mga kainan dito. 0900PM palang, halos wala na kaming mahanap na makakainan.

This slideshow requires JavaScript.

Bago magtapos ang gabi, kami ay nakidalo sa isang pagsasalo salo. Isang tradisyon na pag may ikinakasal ay buong araw na ipagdiriwang.  Imbitado ang lahat! Walang humpay ang pagsasayaw at pagkanta at pagtugtog ng mga instrumentong katutubo.  Isa ito sa masasama kong bibihirang pagkakataon. =)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s