Take A Break (Mountain Province Expedition Part I)

Ikaw ba si Juan na sinusulat sa kung saan ang pangalan para maipaalam at magiwan ng katibayan?  XXX was here.  Tila bakas sa buhangin na mabubura ng hangin o di kaya’y paglista sa tubig na aagusin ng alon. San pa ba natin eto unang natutunan, kung hindi sa eskwelahan. Mga batang musmos na tinuruan kung paano magsulat. Hanggang ngayon ba naman ay mananatiling musmos ang kaisipan?

O ikaw si Juan na mukha ang puhunan para ibenta ang sarili sa masa.  Mabuti sana kung tuturuan natin silang bumasa ng kandidato at hindi mauwi sa mga paasa. Pero ang pagasa ay namamatay sa tuwing matatapos ang pagbibigay ng grasya. Easy money kumbaga. Mga batang musmos na tinuruan kung paano tumanggap. Ngayong matanda na, hanggang tanggap na lamang ba?

KETKET. Parang mga batang naglalaro ng patintero para punan ang mga pagkukulang.  Mga basurang ketket ng lipunan at tila naging dekorasyon ng bayan. Ikaw na dayuhan, nanaisin mo ba na ito ang madatnan? Dumayo ng malayo, para lang ito ang matunghayan? LEAVE NO TRACE policy ika nga, pero nasaan na? NGA-NGA!

Advertisements